Miyerkules, Enero 3, 2018

Marijuana

Ang marijuana o sa Ingles ay cannabis ay isang preparasyon ng halamang cannabis na ginagamit bilang sikoaktibo at gamot o medisina. Ang pangunahing sikoaktibong sangkap na kompuwesto nito ang tetrahydrocannabinol (THC) na isa sa 483 alam na kompuwesto ng halamang ito. [3] May iba pang mga 84 cannabinoid dito gaya ng cannabidiol (CBD), cannabinol (CBN), tetrahydrocannabivarin (THCV)[4][5] at cannabigerol (CBG).
Ang marijuana ay kadalasang kinokonsumo dahil sa mga epektong sikoaktibo at pisiolohikal nito na kinabibilangan ng tumaas na mood o pakiramdam o euphoria, relaksasyon [6] at tumaas na gana [7]
Ang marijuana ay ginagamit bilang drogang panlibangan o medisina gayundin bilang bahagi ng mga ritong pang-relihiyon. Ang pinakamaagang paggamit nito ay mula ika-3 milenyo BCE. [8] Simula ika-20 siglo, ang pag-aangkin ng marijuana ay ipinagbabawal o ilegal sa maraming mga bansa sa buong mundo. [9][10] Noong 2004, ang paggamit ng marijuana sa buong mundo ay tinatayang 4% ng populasyon ng mundo o mga 162 milyong katao at ang tinatayang 0.6% (22.5 milyong katao) ay gumagamit nito sa araw-araw.[11]

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento