Miyerkules, Enero 3, 2018

Marijuana

Ang marijuana o sa Ingles ay cannabis ay isang preparasyon ng halamang cannabis na ginagamit bilang sikoaktibo at gamot o medisina. Ang pangunahing sikoaktibong sangkap na kompuwesto nito ang tetrahydrocannabinol (THC) na isa sa 483 alam na kompuwesto ng halamang ito. [3] May iba pang mga 84 cannabinoid dito gaya ng cannabidiol (CBD), cannabinol (CBN), tetrahydrocannabivarin (THCV)[4][5] at cannabigerol (CBG).
Ang marijuana ay kadalasang kinokonsumo dahil sa mga epektong sikoaktibo at pisiolohikal nito na kinabibilangan ng tumaas na mood o pakiramdam o euphoria, relaksasyon [6] at tumaas na gana [7]
Ang marijuana ay ginagamit bilang drogang panlibangan o medisina gayundin bilang bahagi ng mga ritong pang-relihiyon. Ang pinakamaagang paggamit nito ay mula ika-3 milenyo BCE. [8] Simula ika-20 siglo, ang pag-aangkin ng marijuana ay ipinagbabawal o ilegal sa maraming mga bansa sa buong mundo. [9][10] Noong 2004, ang paggamit ng marijuana sa buong mundo ay tinatayang 4% ng populasyon ng mundo o mga 162 milyong katao at ang tinatayang 0.6% (22.5 milyong katao) ay gumagamit nito sa araw-araw.[11]

DAHON NG BANABA

Mainam na pampaligo ang pinakuluang balat o dahon sa bagong panganak. Kung gagawing tsaa at dadalisayin ang pinakuluang dahon, mainam na gawing agua tiempo (tubig) para sa mga may balisawsaw, sakit sa bato at pantog. Ang puno ng banaba ay mabuti ring gamut sa mga sakit na diabetes at alta presyon.

DAHON NG OREGANO

Mabuti ang pinalambot na sariwang dahon sa nasunog o paso, kagat ng alupihan at sakit ng ulo. Kung ilalaga naman ang dahon, mabuting gamot sa sakit ng tiyan. Nakalilinis din ito ng balat.

DAHON NG BAYABAS

Ginagamit na panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong panganak; tsaa para sa mga nagtatae. Ipanlanggas ang maligamgam o pinalamig na tubig sa sugat, galis, bakokang, minsan o dalawang beses maghapon.
Ilaga o pakuluan ang dahon. Gamitin ang pinagpakuluang tubig.

KATAS NG SABILA

Alam nyo ba na . . .

Mainam na gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika; ginagamit bilang pampalago ng buhok, pampakinis ng kutis, gamot sa sugat.
Kunin ang katas ng dahon at ipahid sa balat na natilamsikan ng mantika; gamitin din ang katas para ikuskos sa anit at mukha. Maaari ring gamitin ang katas ng dahon bilang gamut sa sugat.